Ang Filipino III ay pag-aral ng mga simulain at proseso nang masining na pagpapahayag ng Filipino.  Nakatuon ito sa malayang pagtuklas at pagpakita ng kakayanan at kahusayan sa pagdidiskors na pasulat at pasalita tungkol sa mga paksang pangkomunidad, pambansa, at pandaigdig. 

 

 

Ang bungang inaasahan ay matutukoy ang mga pangkalahatang kaalaman at konseptong kaugnay ng panretorikang  pag-aaral; malilinang ang akademik na komunikasyon: pagbabasa, pakikinig, pagsusulat, at pagsasalita; at sa lalong mataas na antas ng kasanayan; mailalapat sa pag-alam, pagtaya, at pagpahalaga sa mga kaalaman  at konseptong may kinalaman sa kultura at lipunang lokal at global ang mga pangkomunikasyong kasanayan; at makikilala sa Filipino tungo sa pag-unawa at pagpahalaga ng teksto at konteksto ang iba’t ibang diskors .