Pangunahing kahingian
sa anumang pagtuturo ng wika ang pag-aaral at pagsusuri sa estrukturang
nakapaloob dito. Hindi maititiwalag ang kayarian ng wika upang masapol at
maunawaan ang kaligiran, kalikasan at kasaysayan nito. Kung gayon, ang kursong
ito ay nakatuon sa pagsanay ng paggamit ng estruktura at gamit ng Wikang
Filipino sa pagtuturo sa elementarya. Sumasaklaw ito sa deskriptibong pag-aaral
ng wikang Filipino sa antas ng ponolohiya, morpolohiya, sintaktika at
semantika. Bibigyang-diin sa kursong ito ang ibat ibang dulog at estratehiya sa
pagtuturo at pagtataya ng/sa wikang Filipino ayon sa kahingian ng K – 12
curriculum.
- Teacher: Ma. Gemma Tapel