Ito
ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa
malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa
iba’t ibang larangan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at
pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang
lunsaran ng pagsasagawa ng pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at
pagsulat ng borador ng pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o presentasyon
nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng mga
mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa.
Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular
sa presentasyon ng pananaliksik.
- Teacher: Ma. Cleta Santos